I have already finished that Accounting Assignment.Nag-panic ako matapos kong manggaling ng simbahan sapagkat hindi mabuksan yung diskette na pinagsave-an ko ng assignment ko. haha. Heto, ngayon lamang ako natapos.
Sana'y matapos ko ang essay para sa ADMU bago mag-Miyerkules. Bukas na bukas makarating sa paaralan ay mag-iisip na ako ng topic. Kelangan ko na talaga yun.. haaaay..
Bukas nga pala ay picture taking na namin para sa graduation. haay. Sana OK ang kalabasan ng picture ko. haha.. Aun lang. Mag-iisip pa ako ng topic, ok? babye!!! :)
**** Ako ay masyadong na-drain these past few days. Sa dami ng exams namin, eh masyadong napagod ang utak ko. haha. Matapos ang mga exams namin, heto ako't ginagawa ang assignment sa Accounting na may kinalaman sa Balance Sheet, Chart of Accounts at Income Statement. Yung naunang dalawa pa lamang ang aking nagagawa. Hindi ko pa alam ung sa Income Statement. hehe. **** Kanina ay nagpractice kami para sa mass dance. Sa Air Base kami nag-practice. Naaalala ko tuloy ang elementary days namin dun habang nag-gogolf kami ng mga kaklase ko. haaay. Nakakamiss. Tingnan mo nga naman ang buhay. Dati, isang hamak lang akong Grade 6 student na takot na takot maghighschool pagkat di ko alam ang aking gagawin. Pero ngayon, 4th year na ako. Dumanas na ako ng maraming hirap at dadanas pa ako ng marami pang pagsubok. Alam kong kakayanin ko toh. **** Matapos ang ilang linggo ng pagbabasa ng Harry Potter and the Half-Blood Prince, sa wakas ay natapos na ako. Nakakalungkot ang katapusan. Naiinis ako kasi namatay na ang isa sa mga taong mahalaga sa buhay ni Harry. Napaiyak nga ako sa part na bigla na lang namatay si Dumbledore. I can really get carried away by my emotion. hehe. Mababaw ang luha ko eh. Naiinis ako, dahil ni hindi man lang lumabas si Voldemort sa libro. Expected ko pa namang may battle nang mangyayari. Wala pala. Kailangan ko na lang sigurong mag-intay muli ng dalawang taon bago ilabas ang ika-pitong libro. Sana the best ang book 7. Na-eexcite na ako kahit 2007 pa siguro ang release nun. haha.. **Geh, gotta go. It's getting late na pala.. nga pala, I've watched an exclusive sneak peek ng HP4 Movie. Astig ang trailer. Iba tong trailer na toh. visit kayo rito para makita niyo: http://extratv.warnerbros.com/v2/news/0805/12/3/video.html
Bukas ay last day na ng exams. Eto ako at nagtataype. Wala lang. Na-feel ko lang na magpost.
Physics at Computer na lang ang kelangan naming pagdaanan. Natapos na ang isa sa mga subject na kitatakutan ko: accounting. Hinihiling ko lamang na ako ay makapasa. Laking tuwa ko na pag malaman kong pasa ako. *ang babaw ko noh?* Aun lang.
Gud luck sa amin!!! hehehe :) Akala ko pa nama'y makapagrerelax ako sa weekend. Hindi pala. May essay pa sa Ateneo at Ledger sa Accounting.. *haaay*...
Kumuha na ako ng UPCAT kanina. Morning session ako at ang masasabi ko lang: Ang hirap! ;) hehehe. Nag-aral ako for UPCAT pero parang kulang parin kasi may time pressure. Hindi iyon ang ineexpect kong lalabas sa exams. Walang analogy. synonyms. antonyms. Ang gulo ng reading comprehension. Nakakaluka ang geometry. Nakakasira ng ulo ang chemistry. Nakakatuwa ang language proficiency. Antagal pa ng labas ng resulta. Pebrero pa ng susunod na taon! waaah!! Sana pasado ako... Sa mga kukuha pa bukas ng UPCAT, God bless!!!
Humarap muna ako ngayon sa pc at nag-internet. Matagal-tagal na rin nang huli akong mag-net nang mahaba. Sa dami ng commitments ko, hindi ko na alam kung alin ang ipaprioritize ko. Andami-daming dapat gawin. Andyan ang English project. Ang walang kamatayang ACCOUNTING. Physics quiz. First Quarterly exams. haaaay. Sana malampasan ko ang lahat ng ito. Hirap maging senior, pero kakayanin ko toh! hehehe :)
Hindi ko mapigilan ang aking sarili na magbasa ng Harry Potter 6. Asa chapter 10: House of Gaunt na ako... :) hehehe...
Mamaya-maya lamang ay uumpisahan ko na ang Accounting.
geh!!! ;)
Buwan ng Wika na! Nagdesign kami kanina ng klasrum! Gosh, Pilipinas talaga ang ambience ng klasrum! :)
Bukas ay UPCAT na. Hindi na ako masyadong nag-aral ngayon. Masyado raw masama kung babalikan pa ulit ang lessons. Kung alin na ang napag-aralan, yun na! :)
Nag-PE quarterly kami kanina. Ok naman ang naging score namin. Worth ang pag-uwi namin ng 8:00 pm para lang sa pagpapraktis ng sayaw. Baka nga next week ay may mga practices na naman para naman sa streetdance or mass dance. ewan.
Exams na next week. Tapos na ang 1st quarter. May 3 pang quarter ang aming pagdadaan. Masaya at malungkot.... Haaaaay..
Gud Luck sa lahat ng 4th year na kukuha ng UPCAT. Kaya natin toh!!!!!
geh, ciao! :)