Yessss!!!! Matapos ang isang buwang hindi pagpaparamdam sa inyo, I'm finally back!!! At may panibago akong layout... Sa wakas, nakapaggawa rin ako ng sarili kong layout..kaytagal ko itong hinintay eh. I'm just happy na ang layout na ito ay ako na ang gumawa. Ang sarap isipin. Hay, naluluka na yata ako.
Hmmm, ano ba ang maaari kong sabihin? 2 weeks from now, gagraduate na ang aming batch. Nakakalungkot isipin na ang mga taong nakasama mo for almost 4 years ay mapapahiwalay sa'yo. Haaay, pano ba yan JB44, malapit na tayong mag-college. Good luck na lang sa atin. Sana ay maging successful ang bawat isa sa atin sa pinili nating mga karera. *naks, ang lalim non ah!*
Ano pa ba ang pwede kong ikwento? Halos 2 weeks rin kaming wala sa school. Sa loob ng 2 weeks na yon, wala akong ginawa kundi kain+tulog+internet+nood TV+text... Minsan nakakatamad rin ang ganung routine. Paulit-ulit mong gagawin yon for 2 months? nyak! Gusto ko rin naman may kabuluhan ang summer ko... Sana makakuha ako ng summer job, para may pera ako. Pero, parang malabo. Ang Mcdo, hindi tumatanggap ng below 18 years of age.. waaaah!! Gusto ko rin may extra allowance ako, for college na rin..
Speaking of college life, hindi ko pa rin alam kung saan ba talaga ako papasok. Pasado ako ng 2 schools, pero I'd really like to see myself in UP. *naks naman!* Hindi ko alam, pero gustong -gusto ko talagang dun ako makapasok. Last Thursday nga, nagpunta ako sa UP Diliman campus together with my uncle. hehe. Naglibot. Naggala. Sa totoo lang, malaki nga ang campus ng UP at hindi ata kayang malibot yon sa isang araw. Hahahaha : ) Pero, I had a glimpse na kung pano ang buhay sa UP. Para na nga siyang isang what-shall-i-say-it, hmmm, city sa loob ng city. Gets nyo? I mean, may sariling mga establishments ang UP.. hehehe... mga department store, resto, kung anu-anong bldgs... hehehehe....Nung araw ding yon, marami akong firsts.. *sige, probinsyana naman toh, tol* hehe. Nakita ko sa unang pagkakataon ang Ateneo, pati Miriam College. Syempre, first time kong nakita ang UP Diliman. First time ko ring sumakay ng LRT! weeeee... ansaya pala. hahaha. First time kong nakita ang GMA center. Hindi ko nakita ang ABS-CBN, hehehe. First time kong nakita nang harapan ang Araneta Coliseum! wahaha. Balang araw, makakapasok rin ako doon. At first time kong makapasok ng Gateway Mall. Shucks, ang ganda nung part ng cinema. hahaha. Ang ganda rin ng mismong mall. hehehe.. Asteeg. haaay.. Andami talagang nangyari nung araw na yun.. hehehe.. ansaya. :)
Bukas, pupunta na naman kami ng school para sa first grad practice namin. hehehe. Aun, kita kita na naman kaming magkakaklase. wahehehe.... geh, bye till my nxt post...
PS Salamat sa lahat ng nagcomment ukol sa layout ko.. weeee... summer na summer talaga noh!!! :)