First sem's officially over.Sa loob ng 5 months, marami-rami na din ang nangyari. Haaay. Ambilis. Pero masaya na rin ako at natapos na. Hindi para sa akin ang 5 buwan na iyon. Masyado akong nag-struggle. Nahirapan ako sa mga acads, (di naman lahat, Math17 lang!). Nahirapan akong makapaghanap ng friends, pero nakahanap rin naman ako kahit papano. *yahoo* Nahirapan ako dahil sobrang pressured ako kasi nga, taga-UP ako. Pero, masaya pa din ang buhay, kahit papaano. At ano ang dapat kong ginagawa ngayon? Nagpapakasaya! Sembreak na eh!!
Marami mang ups and downs ang idinulot sa akin ng unang semestre ko sa unang taon ko sa UP, alam kong kakayanin pa yan. At, may 2nd sem pa, kayang-kaya pa (sana!).
***
Wala na akong maisulat pa. hahaha. Nakakatamad ikwento ang bawat pangyayari nung unang sem. hay. Kaya magrereact na lang ako sa gusto kong pag-react-an..wahahaha :D
>Laftrip ang bagong music vid ng Mayonnaise na "Pano Nangyari Yun"! wahaha. spoof ng Akap,The Day You Said Goodnight, Sugod at Wag na wag Mong Sasabihin!
>Sana makapasok si Jenny sa finals ng Survivor: Cook Islands.
>Ang galing ni Mau sa Philippine Idol kagabi. Galing ng rendition niya ng "So Slow"
>Nakakabwisit yung isang contestant sa PI, si Ken, sana man lang, ginalingan niya yung pagkakakanta nung Ligaya ng Eraserheads. Kinalimutan ba naman ang lyrics! tsk. *peace out!*
>Ang galing ng Sugarfree mag-live! Nagpunta kasi sila dito sa Lipa nung Friday! Asteeg!
>Plus Callalily pa! Stars!! <3
>LSS pa rin ako sa Bitiw!
Wala na akong maisulat pa. Sige sa sunod na post! :D