May 11. Thursday
Nagpunta ako sa UP. Nakisabay ako kay Camyl. Alis kami past 6 am na. Ang ipinunta namin sa UP ay ang FOP aka Freshman Orientation Program. Start ng 12:00 pm pero nagpaaga kami dahil aatend pa si Camyl ng orientation sa Kalayaan Residence Hall. Nakarating kami sa UP mga 9:00 am. Humiwalay muna ako sa kanila dahil aatend nga cya ng orientation. Nagpunta ako sa School of Economics para itanong kung pwede pa ako umatend ng FOP kahit na natapos na ung FOP ng Econ. Ayun. Kung saan saan ako nakarating. Nagpagala-gala ako. Punta ng Vinzons Hall tas AS tas balik uli sa SE tas naghanap ng Student Council Member na makakatulong sakin. Nag-antay. Hanggang sa abutin na ako ng mga 11:30 nang may SC member na dumating. Nakausap ko sya at medyo nagkagulo pa kasi sa Saturday na lang raw ako bumalik. Sa kabutihang palad, nakita ko si Tita Joy (mommy ng classmate kong si Jeanelle) at tinulungan niya ako. Tas ayun, pinapasok ako. Doon ako sumabay sa mga BS Bio, kasi may Bio rin akong subject. Nabigyan na ako ng block at iyon ay: E-1. May envelope na binigay na may nakasulat sa likod na: Mabuhay Ka, Iskolar ng Bayan! Nyak! Parang antaas ng expectations sakin. Nung papasok na ako ay napagtanto kong di pa nga pala ako nakain. Nagdali-dali ako at kumain ng 10 fishball at pepsi. Bumili rin akong tubig if ever uhawin ako. Wala pa si Camyl kaya inintay ko sya. Kaso, nag-uumpisa na ung FOP, kaya pumasok na ako. Nagkita rin naman kami ni Camyl sa loob. Laftrip ang orientation. Ansaya! Pasok sa Banga! wahahaha. Basta astig. Feel ko na ang pagiging isang ISKA! nyak ulit! Pero mas masaya siguro kung mga taga SE ang kasama ko. Oh well ok lang noh. Basta MASAYA! Nga pala, hindi na kami nag campus tour.hehe.
Di pa tapos ang kwento noong araw na yon. Kasi ang araw na iyon ang pinakahihintay na araw ng mga kapwa ko Taclobanons, i mean JB21. Ito ang araw ng aming reunion na kaytagal naming pinaghandaan. After ng FOP, punta muna kami sa Festival Mall dahil may bibilhin cna Camyl. Kasama nga pala namin si Mikko (classmate namin nung elem na sa upd rin papasok). Ansaya-saya kasi niloloko ni Camyl si Mikko at vice versa. basta kulitan. ahaha. Then, kain kami sa KFC SLEX. Tas uwi na ng Lipa. Umuulan sa daan nung pauwi na kami. Punta muna kami sa bahay nina Camyl, saka pa kami nagpunta kina Ortile, i mean, Andrew dahil doon ginaganap ang reunion. Nang makarating na kami, nakatutok sila sa PBB kaya naman pati ako ay nakisali. Medyo natagalan bago kami nakapagswimming dahil sa pag-ulan. Ito na ang highlight. Nagswimming kami halos lahat pero ang natira na lang hanggang 3 am ay kami nina pat, joanna at gecai. Salamat ng marami sa inyo dahil sa charades+pinoy henyo. Salamat sa mind twisting na mga topics at words. Salamat sa mitochondria, golgi apparatus, linear pair postulate, sa ilalim ng kubyerta, mosaic, mao zedong, butterfly garden, gregoria de jesus, cartescian plane, shuttlecock, van helsing, bukas luluhod ang mga tala, tinimbang ka ngunit kulang ata marami pang iba. Salamat talaga! Super duper ansaya ng araw na iyon. Salamat JB 21 sa isang sobrang sayang reunion. Kahit na less than 20 lang tayo, ok lang, basta nag-enjoy tayo! sa uulitin ah. Thanks talaga!! :) :) :)
May 12-13. Friday and Saturday
BAGYO! Tinamaan ng bagyo ang Batangas. Signal no. 2. Andaming nasira sa pali-paligid. Plus, walang kuryente! Aun lang, ayoko nang i-elaborate.
May 14. Sunday
Mother's Day. Belated sa aking butihing Mommy. Lav yah! Kumain kami sa Pizza Hut para icelebrate ang nasabing okasyon. Kakatamad lumabas dahil katatapos lang ng bagyo. Gosh. Antinding damage ang ginawa ni Caloy sa Lipa! hehe.
May 15. Monday
Namiyesta kami sa aming mga lola sa Bauan. Pero walang kuryente doon.
May 16. Tuesday
Nagpunta ako sa Taft kahapon kasama ang dad ko. Bakit sa Taft? Eh Diliman naman ang skul ko? Kasi tinry namin kung aling byahe ang mas madali. Kung mas madali ba sa byaheng Cubao tas baba sa may Araneta at doon sumakay ng MRT going to Katipunan at saka punta UP o kung mas madali yung baba sa may Taft tas sakay ng LRT to Doroteo Jose, tas sakay ng MRT puntang Katipunan. Mas mahirap yung latter. Ayun. Parang naggala lang ako kahapon. At umuwi ako ng Lipa mag-isa kasi may appointment ang Dad ko sa Makati. Yon lang naman. Ansaya ng feeling na nakauwi ako mag-isa! weeeee...
May 17. Wednesday
Ngayon. La naman masyado. Nag ayos ng cabinet ko. Have to watch AI mamaya... Oh, Chris was out last week! BOO! duh, Chris was soo great last episode. Though Kat's my bet, I really thought she'd go because she didn't do well. oh well. I'm still rooting for her and Elliot Yamin! I'm definitely on the E-train and still having McPheever! woohoo! Oh, Happy Birthday Pao!! Sorry, di ako nakapunta ah...
So ayan lang. Mahaba ba? Pasensya na. Napagusto kasi akong magkwento. O sige, bye na! Magbabago na ako ng layout... at aayusin ko na rin yung isa kong blogsite... tc! :)
Yesterday, nag-enroll/register na ako. I'm a freshman now. First time kong mag-enroll na ako lang mag-isa. Kasi, bawal pala na may parent na kasama. Ayun. Usually kasi, mommy ko nag-eenroll for me. This year iba na. College na kasi ako. At, tulad nga ng nasabi ko, BAWAL na may kasamang parent.
I woke up at 4:00 am yesterday para maghanda na for the registration. Umalis kami ng daddy ko sa bahay at 4:30. Commute kami. 5:00 am na umalis ang bus. Natulog muna ulit ako. Dumating kami ng QC mga 6:50. Kain mode muna kami sa Jollibee kasi hindi kami nagalmusal. Dumating sa UP about 7:20. Punta kami sa Palma Hall. Yun pala, sa kanya-kanyang colleges muna ang punta for the college briefing. So, lakad kami puntang School of Economics. Hindi pa ganung karami ang tao. Sabi ng mga seniors dun, 7:30 raw pwede nang pumasok sa auditorium for the briefing. Pinapasok kami past 8 na yata. Believe it or not, 178 freshmen lang ang asa School of Economics. Combined na dun ang BS Econ at BS Business Econ. Ang unti! Antagal dumating nung dean namin. Ang name niya Dean Raul Fabella. Pero tawag sa kanya ng mga students ay Dean Fab. hehehe. So nagstart na yata mga 8:30. Andun yung mga council members. Sila nagfacilitate ng briefing. Ok naman yung briefing. Sort of orientation na yon on what to expect sa SE. Masaya naman. Kaso, matindi ang standard sa Econ. I need to get at least an average of 2.50. Shucks. Anyway, ibig sabihin lang nun, kelangan ko pa ng extra effort para makayanan ang Econ.
After ng briefing, go na kami sa AS o P alma Hall. Di ko alam kung bakit AS tawag. So, medyo mahaba na ang pila, pero nakaraos naman ako.. Natapos ako mga 12:00. After that, lunch mode kami, sa Jollibee Katipunan. 1 pc chicken+coke+mango pie. hehehe. Tapos, punta kami sa apartment na titirhan ko. Ok naman. Malapit na sa may Katipunan. May roommate ako, sa Ateneo naman siya. Tas, sakay kami MRT para pumunta sa Araneta Center. Tas, punta kami sa bus terminal. Tas, uwi na..
Kakapagod kahapon. Dapat ngayon ang FOP ko. Pero dahil wala akong makakasama ay bukas na lamang ako pupunta.
I have a new blog nga pala... here... Pero, dito ko lang cguro ilalagay ang mga ginagawa ko sa photoshop. wala lang.. aun.. nga pala, wala pa yang laman...hehehe
geh geh.. tc kau!! :D
Ok na ok pa rin naman ako. Masaya pa rin naman ang buhay. Nilalasap ko na ang mga nalalabing araw bago mag-kolehiyo. Lulubus-lubusin ko na kasi pihadong pagpasok ng buwan ng Hunyo, kalbaryo na naman to. Hindi naman masyado. Basta, haharap na naman ako sa sobrang daming pasakit at pahirap. Tulad ng quizzes, assignments, researches, peer pressure, at terror profs. hehehe. Hindi ko pa rin alam kung ano bang maeexpect ko sa college life. Dapat ba akong matuwa? o malungkot? Hindi ko pa rin kasi matanggap na hindi na ako hayskul. Hindi ko pa rin siguro matanggap na hindi ko na muli makikita sa iisang klasrum ang mga taong nakasanayan ko nang pakisamahan sa loob ng tatlo o apat na taon. Siguro, hindi ko pa rin matanggap na dapat na akong mag-move on. Pero, inhahanda ko na ang sarili ko. Alam kong mahirap ang pagdadaanan ko, pero kakayanin ko to. Kakayanin ko sa tulong ng Diyos, ng tiwala sa sarili, at ng mga taong nagmamahal sa akin. Ang aking mantra ngayon, "Kaya ko to!"